Title: Magpakabakod Ka...
Description: ambot kung tsakto title sini.. hehehe...
rastaman™ - February 5, 2009 08:38 AM (GMT)
1. Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi 'yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa 'pag gusto mo ng paglaruan. Hindi 'yan iPod na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi 'yan Red Horse na p'wede mong laklakin hanggang madaling-araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi 'yan gadget para kolektahin at paglaruan.
2. Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? 'Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.
3. Imbis na magtanong ka ng 'Hindi pa ba sapat?', bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s'ya.
4. Wag kang magpadala sa salitang 'sorry' at 'ayokong mawala ka.' Kung totoo 'yun, patunayan n'ya.
5. Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sa'yo ay ginagawa din n'ya sa iba?
6. Sabi nila, kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo - ang sarili mo. Kaya siguro namigay ng konsensya ang D'yos. Alam n'yang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao.
7. Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka, ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.
8. Lahat naman ng tao sumeseryoso 'pag tinamaan ng pagmamahal. 'Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.
9. Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sa'yo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.
10. Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang 'pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
11. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.
12. Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. Dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.
13. Ganyan talaga ang mga tao, pipihit-pihitin ang katotohanan hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng posisyon ng mga makasarili nilang puso.
14. Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sa'yo eh, kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya.
15. Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.
16. Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan. In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!
abrilyana - February 5, 2009 03:44 PM (GMT)
"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sa'yo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo." - TAMA! :thumb:
rjt - February 5, 2009 08:36 PM (GMT)
sakto gid miga.... *baby
ano pa gid mashare mo da?
abrilyana - February 5, 2009 09:17 PM (GMT)
mm, ano bi man? hehe.. :lol:
"make sure that when you love a person, you still have something left for yourself so that if ever that person leaves you, you still have yourself to hold onto.."
rastaman™ - February 16, 2009 04:48 AM (GMT)
gin english mo lang tsay bah...
hehehhe
D'mars - February 17, 2009 09:22 AM (GMT)
abrilyana - February 17, 2009 02:55 PM (GMT)
| QUOTE (rastaman™ @ Feb 16 2009, 12:48 PM) |
gin english mo lang tsay bah...
hehehhe |
nyahahahaha!!! sige lang bala.. sugti na lang.. :lol:
rastaman™ - February 18, 2009 01:17 AM (GMT)
sugot dayon ah...
hehehehe...
chram - June 1, 2009 08:50 AM (GMT)
tsakto ini pre...
"Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sa'yo eh, kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya"
daw makadlaw ka lang sang nagligad nga nangin ikaw..... :D
Jack Bauer - June 3, 2009 10:22 PM (GMT)
daw padugo naman ni pre haw :lol: :lol: :lol:
chram - June 4, 2009 08:32 AM (GMT)
| QUOTE (Jack Bauer @ Jun 4 2009, 06:22 AM) |
| daw padugo naman ni pre haw :lol: :lol: :lol: |
:lol: hahaha! napapilit ko na sang una migs ah...basi ikaw may ara ka da bag-o nga inugpapilit? :naughty:
rjt - June 4, 2009 01:32 PM (GMT)
wala ya pa to gani natapos ang love story nya sa pihak na forum hehehe...
:D