View Full Version: Roxas Kay Gma: Komprehensibong ‘oil At Food Plan’

TUP-Visayas Talk > Current Events > Roxas Kay Gma: Komprehensibong ‘oil At Food Plan’


Title: Roxas Kay Gma: Komprehensibong ‘oil At Food Plan’
Description: ihayag sa SONA


chram - July 23, 2008 12:11 PM (GMT)
Roxas kay GMA: Komprehensibong ‘Oil at Food Plan’ ihayag sa SONA


Nagbabala si Senador Mar Roxas na lalala pa ang kagutumang dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at mga bilihin, kaya’t nanawagan siya kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na gamitin ang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 28 upang maghayag ng isang tutok at komprehensibong plano kung paano haharapin ang kasalukuyang krisis sa langis at pagkain.

“Hindi natin kailangan ng litanya ng mga nagawa na at panibagong mga pangako. Hindi pwedeng sa SONA ay mag-repackage na naman ng mga dati nang proyekto na binigyan lang ng bagong pangalan.

Ang kailangan natin ay isang tapat na pahayag ukol sa tunay na kalagayan ng bansa natin, kakapusan at gutom na nararanasan ng mga kababayan natin at isang tunay na ‘action plan’ ukol sa kung paano tayong makakaahon sa kadilimang ito,” giit niya.

“Base sa nangyayari ngayon at sa kung ano ang ginagawa ng pamahalaan, lalala pa ang sitwasyon,” ani Roxas.

Dagdag pa niya, 60% ng total budget ng 30% ng pinakamahihirap sa bansa ay nakalaan sa pagkain. At sa kanilang food budget, 25% ang inilalaan para sa bigas. Kaya’t anumang pagtataas ng presyo ng pagkain ay pabigat sa kanila.

Maging ang Social Weather Stations, sa kanilang pinakahuling ulat, ay nagsabing mas marami ang nagugutom ngayon na 16.3% kumpara sa ten-year average na 12.1% lang.

“Bago ang lahat, pagkain muna. Pagkakataon itong SONA para itutok ng Pangulo ang buong atensyon ng buong gobyerno sa problema sa pagkain at sa kakulangan at sobrang-mahal ng pagkain sa bansa natin,” anang senador.

Sinabi pa ng Pangulo ng Partido Liberal na kailangang harapin ng gobyerno ang problema sa rice dependency. Dahil hindi kayang suportahan ang pangagailangan sa bigas ng bansa, kinakailangan pang gumastos ng pamahalaan ng $1.68 bilyon (P74 bilyon) para mag-angkat ng dalawang milyong metriko-tonelada taun-taon.

http://www.abante-tonite.com/issue/july2308/news_story7.htm

Jack Bauer - July 24, 2008 02:29 AM (GMT)
;) ;) ;) ;)

espatepeppen - July 24, 2008 05:22 AM (GMT)
papansin na naman si Roxas... :hmmm:

sucre - July 24, 2008 07:29 AM (GMT)
mahilig mn gli maki-sakay si roxas??? :veryfunny:

sagay sya batikos kung ano ang mahimo ni gloria pero wala siya kabalo nga ang iya pamangkot para man sa iya kaugalingon as government employee: kung ano bala ang mabulig nila sa pilipinas?

:chuck:

ang problema sa aton government officials, wala galantaw sa "bigger picture" mag-solve sg mga problema. puro pamantay kg pasikat sa mga witi-witi nila nga accomplishment.

:0wn3d

sphinx - July 24, 2008 08:21 AM (GMT)
QUOTE (sucre @ Jul 24 2008, 03:29 PM)
mahilig mn gli maki-sakay si roxas??? :veryfunny:

sagay sya batikos kung ano ang mahimo ni gloria pero wala siya kabalo nga ang iya pamangkot para man sa iya kaugalingon as government employee: kung ano bala ang mabulig nila sa pilipinas?

:chuck:

ang problema sa aton government officials, wala galantaw sa "bigger picture" mag-solve sg mga problema. puro pamantay kg pasikat sa mga witi-witi nila nga accomplishment.

:0wn3d

Lapit nalang daan 2010.....

Presidential Elections *mad *mad *mad

Jack Bauer - July 24, 2008 09:47 AM (GMT)
:lol: :lol: :lol: :lol:

*ben wallace




Hosted for free by InvisionFree